ITONG WEBSITE AY LIBRE PO

Paskong Pinoy Grand Winner!

🎄 Maligayang Pasko, mga Ka-tusok!

Labis ang aming kasiyahan na ihayag ang winner ng Simbang Gabi Contest at ang grand winner ng ating Paskong Pinoy contest! Isang pagdiriwang ito ng kultura at kasiyahan ng Paskong Pilipino.

Simbang Gabi Contest

Merong total na 62 entries ang Simbang Gabi. Sayang sa mga hindi nakasali, napakalaki ng chance na manalo! Kala ko masmarami ang nagsisimbang gabi kasi karamihan ng simbang gabi, gabi na talaga ginagawa, hindi madaling araw. Bagong technique sa Kwek2 Challenge ay kung mashindi ginagawa, maskonti ang sasali, masmalaki chance na manalo!

Simbang Gabi Contest Winner ... Entry #644, #659, #690

Paskong Pinoy Contest

At para sa Paskong Pinoy grand contest winner na may premyo na 10,000php. May total na 283 entries, ang iba ay nagsubmit weekly pa para maximum chance manalo! Diba ang laki ng chance para manalo ng 10k?! Salamat sa mga sumali!

Wag na natin patagalin, ang maswerteng nanalo sa contest ay entry #190!!! Ding Ding Ding! Congratulations para sa Kwek2 Challenge first grand winner of 10,000php!!! Boom! *fireworks!

🌟 Ang Winner ng Paskong Pinoy ... Entry #190

Ang video ng pagdraw ay ipopost namin sa Facebook

🎉 Konklusyon: Paskong Pinoy, Paskong Panalo!

Habang tinatapos natin ang panahon ng kapaskuhan at contest na ito, dalhin natin ang diwa ng Pasko, pagbibigayan at pagtutulungan, sa pang araw-araw natin buhay.

Nais namin sa Kwek2 Challenge bumati sa inyo ng Maligayang Pasko! Salamat sa pagsali sa aming contest, ipapagpatuloy namin to, hanggat nakakapagbigay saya ang website na ito, kahit sa konting tao lamang.

#PaskongPinoy