ITONG WEBSITE AY LIBRE PO

Abangan ang Magbibigay Ngiti!

Mga Ka-tusok,

Nais naming ipaalam sa inyo na mayroon kaming inihahandang challenge na tiyak na magbibigay ngiti sa inyong mga labi. Sa pagdating ng Lunes, ihahayag namin ang mga detalye ng challenge na ito.

Ihanda ang Inyong mga Naka-ngiting Larawan!

Hanapin ang larawan kung saan kayo'y buong pusong nakangiti o kumuha ng bago na nagpapakita sa inyong pinakamasayang sandali. Smile o naka-bungisngis , kita gilagid o may bungi, wag magatubiling isubmit sa Kwek2Challenge.

Ang premyo ng challenge na ito ay ire-reveal sa November 20.

Hindi Lang Isang Paligsahan

Ang maganda pa, hindi lang ito ang magiging challenges sa aming website. Inaasahan namin na magkaroon pa ng mas marami sa hinaharap na kung saan maaaring manalo ng mga pa-premyo. Kaya patuloy na bumisita at makilahok upang magkaroon ng mas maraming chances na manalo!

Manatiling nakatutok,

Nagmamahal,

Mang Kwek2